Sunday, January 19, 2014

EKSENA SA KLASRUM... (dyanwari)

(Malamig na araw, mahangin na klasrum)
(Mga mag-aaral na abala sa pagbuo ng TOS)

unggghhh.... (tunog ng zombie)
unggghhh....

R: 'wag kang makulit dyan di pa ko tapos!
J: unggghhh....
R: Sige galingan mo dyan sa pag-arte. baka makuha kang artista.
Prof: Tamang-tama J, auditions ngayon sa hollywood, kailangan ng mga katulad mo. Less make up.
J: Talaga mam?
Prof:  Oo, sa set ng Walking Dead season 5.
J: hehehe si mam naman... sa totoo lang mam, member ako ng theater.
Prof: Talaga? Sige nga kunwari auditions na. Pakitaan mo ko ng galit na walker.
J: unnngggghhh...
Prof: Yung masayang walker?
J: unnngggghhh... (same expression)
Prof: hehe sige yung malungkot na walker naman?
J: unnngggghhh... (same expression ulit)
Prof: yung nagulat na walker?
J: unnngggghhh... (same expression pa rin)
Prof:  haha galing mo, J, versatile ka iha natural na natural...

(next period)
Reporter:  (on nutrition) di kasi ako kumakain ng gulay, puro lang carne (with konyo intonation)
Classmate: wow sosyal, carnivore...
Prof:  eh kung fish lang kinakain ano tawag?
Class: mam, fishvore!
Prof:  anung meron sa hangin at ganyan ang trip nyo ngayon...

<high sa hangin>
<precious silly moments>

No comments:

Post a Comment