Friday, January 23, 2015

Berso Panyero

Pareko, ano na???
Umalis na ang lahat ng mahal ng masa,
Dumating, nagbasbas, at lumisan na rin ang Papa,
Pero ikaw, nandyan pa't nangungunyapit sa kapirasong upuan,
Sa pagaakalang ika'y nirerespeto't pinaniniwalaan??
Heto po ang malupit na katotohanan,
Hindi lahat ng magaling umarte ay nasa tanghalan,
May ilan din na hindi pa nasusumpungan,
At sa pagpapanggap na ika'y bahagi ng pangkat,
Award winning ang acting, kahit hindi sikat.
Ano pa bang kailangan mo?
Nasayo na ang lahat na pangarap ng simpleng tao.
Palayain mo na ang ginagatasang baka,
Wag mo ring pulaan ang butihing ama,
Dahil kahit anong putik ang ibato mo sa iba,
Mabahong burak sa mukha mo, pahirin mo muna.

-(Phoenix Esperanza, 2015) with permission from the author

No comments:

Post a Comment